Monday, March 24, 2008

ibong adarna buod nito

Buod
ng Ibong Adarna


Jennifer Mamaril
I-2b

skipskip to sidebar
IBONG ADARNA
Noong unang panahon sa sang-ayon sa kasaysayan sa Kaharian ng Berbanya . May hari ngalan ay Fernando at kabiyak nitong Reyna Valeriana. Sila ay may tatlong anak na prinsipe sina Donn Pedro, Don Diego, Don Juan. Sinanay ang mga anak na humawak ng patalim.
Isang gabi naidlip ang hari diumano si Don Juan bunso niyang anak ay pinaslang mula noon nagkasakit ang mahal na Hari . Nagpatawag ng mangagamot na ang ating lunas ay ang awit ng Ibong Adarna.
Inutusan si Don Pedro para maglakbay at hanapin ang Ibong Adarna. Sa kasamaang-palad nakatulog sa awit ng Ibong Adarna at nagging Bato matapos mahulugan ng ipot ng ibon. Sa ikalawang paglalakbay inatasan ng hari hanapin si Don Pedro at hulihin ang Ibond Adarna ngunit ganun din ang naging kapalaran ni Don Diego.
Ang bunsong anak na una ayaw payagan ng hari ay naglakbay dahil sa tagal ng pagbabalik ng mga kapatid. Hiningi ang basbas ng mahal na hari at humayo. Sa kanyang paglalakbay ay nakasaubong niya ang matandang Ermitanyo na nagturo sa kanya ng Ibong Adarna. Humingi ito ng makakainn at binigyan niya ng tinapay. Itinuro ng Ermitanyo ang kinaroroonan ng ibon at nagbilin ng mga payo sa paghuli ng ibon.
Nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna sa pagsunod ng ipinayo ng matandang Ermitanyo. Sa tulong rin ng Ermitanyo nagging tao muli sa pagiging bato ang kanyang mga kapatid. Nagbalik ang tatlong prinsipe ngunit ang taksil na si Don Pedro ay plinanong bugbugin si Don Juan dulot ng inggit . Sa pagbabalik sa kaharian di kasamang bumalik si Don Juan at ayaw umawit ng Ibong Adarna .
Sa pagakakabugbog kay Don Juan muli may ermitanyo na tumulong kay Don Juan. Bumalik sa kaharian ng Berbanya si Don Juan at doon ay umawit ang Ibong Adarna at nagkwento ng mga pangyayari. Nagalit ngunit nagpatawad ang hari alang-alang sa bunsong anak. Nakawala ang Ibong Adarna . Umalis si Don Juan at doon ay may natagpuang balon. Sa ilalim ng balon ay may kaharian doon nakatira si Donya Juana . Dumatin ang higante ang kinalaban ng prinsipe.
Kasama ang kapatid na babae ni Donya Juana na si Donya Leonora ang kasama pupunta sa kaharian ng Berbanya . Ikalawang pagtataksil ni Don Pedro ay inhulog si Don Juan sa Balon at umuwing kasama ang dalawang prinsesa sa kaharian. Ang lobo at si Don Juan ay nagging magkaibigan. Natagpuan ni Don Juan ang Ibong Adarna at nagpayong limutin si Donya Leonora at hanapin ang Reyno Delos Crystal at si Maria Blanka.
Sa tulong muli ng ermitanyo tinulungan makapunta sa kaharian sakay ng Agila. Doon nakita si Maria Blanka. Si Haring Salermo ay marami pagsubok sa pagiibigan ng kanyang anak tulad ng: pagpupunla ng trigo at gawing tinapay, ipunin ang itang pinakawalan at ilagay sa bote, iurong ang bundok , magpagawa ng kastilyo sa gitna ng dagat, ang paghahanap ng singsing, paamuin ang kabayo at pinakahuli ang piliin ang mapapangasawa na kanyang anak. Dahil sa masamang binabalak ng hari nagtanan ang dalawa.
Sa pagbabalik sa Berbanya umuwi si Don Juan na di kasama si Maria Blanka. Ngunit bitbit ang pangakong magbabalik at magpapakasal. Sa kanyang pagdating inihanda ang pagpapakasal ni Donya Leonora . Sa pagtatanghal ay pinalala ni Maria Blanka ang pangako ni Don Juan na magpapakasal. At dahil sa pangyayaring iyon naikasal si Donya Leonora kay Don Pedro at kay Don Juan kay Maria Blanka
Mga Tauhan:
Haring Fernando- magiting na hari ng Berbanya
Donya Valeriana- Kabiyak ng Hari
Ermitanyo- Malaking nagging tulong kay Don Juan
Donya Leonora- nagging asawa ni Don Pedro
Donya Juana- naipakasal kay Don Diego
Maria Blanka- nangako na papakasalan ni Don Juan
Haring Salermo- Ama ni Maria Blanka
Mga anak ni Haring Fernando
Don Pedro - ang panganay. May pag-inggit kay Don Juan.Don Diego - ang pangalawa.Don Juan - ang bunso at determinadong anak.
Mga Tagpuan:

Bundok Tabor- dito naninirahan ang Ibong Adarna

Berbanya- Kaharian ni Haring Fernando

Bundok Armenya – nanirahan si Don Juan

Mahiwagang Balon- may kaharian ng dalawng magkapatid na prinsesa

Reyno Delos Crystal- Kaharian ni Maria Blanka at Haring Salermo





Kasukdulan ng Kwento:

Maraming kasukdulan ang kwento pero para sa akin ang Paghuli sa Ibong Adarna ang siyang Sukdulan Ng kwento. Dahil ditto naranasan ni Don Juan ang mga sugat dulot ng Dayap at labaha.

Tungalian:

Ang pagtataksil ni Don Pedro ang siyang tungalian ng kwento makadalawang ulit na nagtaksil ang panganay na anak dala ng inggit sa
Bunsong anak.

Napiling Tularan sa Korido:

Si Don Juan likas ang pagiging mabait at masunuring anak sa magulang. Mapagkumbaba at madasalin sa Birhen kaya pinagpapala.
Mapagbigay sa mga nagugutom na tao. Mas iniintindi ang kapakanan ng nakararami kayasa ang sarili.

Rekomendasyon:

Maganda ang kwento Ng Ibong Adarna Kapupulutan ng aral Dapat na basahin ng mga Anak upang malaman ang mga kagandahang asal. Mapagtuunan ng pansin ang pagmamahal ng magulang, pakikipagkapwa tao at higit sa lath pag kakaroon ng takot sa Diyos.

Komento:

Maraming pagkakataon na tumulong ang ermitanyo kaya di malaman kung isa lang ba ang gumanap sa mga ito.

3 comments:

...iloveGOD said...

thank you...it really helped! :]

Michelle Samson said...
This comment has been removed by the author.
Michelle Samson said...

helpful
tnx

((pinaghirapan pa !! ))


NICE !!
xD