Monday, February 25, 2008

Ibong Adarna

Ibong Adarna

Sa alamat ng Pilipinas, ang Ibong Adarna ay isang mahiwagang ibon na nakakapagpagaling ng anumang karamdaman sa pamamagitan ng kanyang tinig. Mahirap makahuli nito dahil nakakapagpatulog ang kanyang awitin at nagiging bato ang sinuman mahulugan ng kanyang ipot. Mayroong tatlong prinsipe, sina Don Pedro, Don Diego at si Don Juan, na kailangang hanapin ito dahil ito lamang ang makakatulong sa ama nilang hari na may sakit.
Tatlong prinsipe ang naglakbay upang hulihin ang mailap at kabigha-bighaning Ibong Adarna, upang malunasan ang karamdaman ng kanilang amang hari. Halina't samahan natin ang ating mga bida sa kanilang pakikipagsapalaran. Mahuli kaya nila ang Ibong Adarna? Isa sa mga kilalang kuwentong-bayan sa Filipinas, ang kuwento ng Ibong Adarna ay puno ng abentura at madyik.Ang bunsong kapatid na si..Juan ay lumakbay nang halatang parang di na bumabalik ang dalawa nyang kapatid nagdala sya ng pagkain(cookies) at tubig para baon nya sa paglalakbay.. hanggang sa natagpuan nya ang isang ermitanyo na mukhang hindi pa kumakain ng ilang araw at humingi ito ng pagkain sa kanyatapos ang nanghingi ng pagkain ang ermitanyo at binigay nya ang dinala nyang pagkain at tubig sa kanya binigay lahat ni juan ang lahat ng food na dala dala nya at nagtanong sya sa ermitanyo tinuro nya sa binatang prinsipe ang kinaroroonan ng ibong hinahanap at natagpuan niya ang lugar na kinaroroonan ng ibon, at habang siya'y nagpapahinga (yata) nag umpisa nang kumanta ang ibong-adarna para siya makatulog..pero may sinunod siyang tips mula sa matanda, para di siya makatulog at natagpuan niya ang lugar na kinaroroonan ng ibon, at habang siya'y nagpapahinga (yata) nag umpisa nang kumanta ang ibong-adarna para siya makatulog..pero may sinunod siyang tips mula sa matanda, para di siya makatulog ang nakuha nyang tips from ermitanyo ay magdala ng kutsilyo at kalamansi

Ginintuang aral:

Ang manunulat ay dapat tumulad sa bunsong prinsipe sa kuwento ng Ibong Adarna.
Kung natatandaan ninyo ang kuwento, maysakit ang amang hari at gagaling lamang siya kung maririnig ang awit ng Adarna. Sinubukan ng panganay at ng panggitnang prinsipe na hulihin ang Adarna, pero nang marinig nila ang awit ng Adarna, sila'y nakatulog, at iniputan ng ibon, at naging bato.
Para hindi siya mapatulog ng nakararahuyong awit ng Adarna, sinugatan ng bunsong prinsipe ang sarili niya at pinatakan ng dayap ang sugat. Sa gayon, hindi siya nakatulog, hindi siya napatakan ng tae, hindi siya naging bato, nahuli niya and Adarna, at napagaling niya ang maysakit na amang hari.
Hindi rin dapat kalimutan na tumulong ang bunsong prinsipe sa isang matandang pulubi sa daan, at mula sa pulubi niya natutunan ang sikreto ng paghuli sa Adarna.

natutunan ang pagbasa dito bilang sagisag ng tungkulin ng manunulat. Para mabigyang-lunas ang amang maysakit, kailangan mong bigyang-halaga ang pulubing naghihikahos. Higit sa lahat, kailangan mong tiisin ang hapdi ng dayap sa sugat para hindi ka ipaghele at iputan at gawing bato ng Adarna.

Mga Tauhan:
Mga anak ni Haring Fernando
Don Pedro - ang panganay. May pag-inggit kay Don Juan.
Don Diego - ang pangalawa.
Don Juan - ang bunso at determinadong anak.

3 comments:

deng16 said...

Ang ganda ng kuwentong ibong adarna.Marami kang makukuhang aral.Tulad ko isang bata na binasa at inunawan ang mga tauhan,tagpuan,at atbp.Maraming bata ang matututo sa leksyon na ito

Ako ang batang nag aly ng komentong ito?ako si renriel n bernardino!!!

deng16 said...
This comment has been removed by the author.
deng16 said...
This comment has been removed by the author.